Princess Tinkerbell Snell StarStruck V Survivor 60

Princess Snell is now Nathalie Hart

Princess Snell is now Nathalie Hart. What she just posted about rape on Instagram angered a lot of netizens. Wanna know what this is all about?

Previously, Hart left GMA-7, then rebranded from Princess Snell to Nathalie Hart. She wanted to stress the Australian connection. The Australian link was also vocal when it came to disagreeing with her rape joke, though.

Nathalie Hart on leaving GMA: “I think it’s just that parang minsan, may mga panahon na hindi ka na masaya sa paulit-ulit na two years na akong nagtatrabaho na ganun, na ganun pa rin yung role ko. I wanted more!”

Ang dating Kapuso talent na si Princess Snell ay kilala na ngayon bilang si Nathalie Hart. Isa sa mga naging Avengers sa fifth season ng StarStruck sa GMA, si Leo Dominguez na ngayon ang manager ni Nathalie. “Actually dapat ano, I was supposed to be there [sa GMA] for another year pero nagpa-release ako kasi lahat ng mga naging president dun ‘di ba paiba-iba every year?

“Yung mga naging bosses in [GMA] Artist Center ‘di ba nag-iba-iba na sila so I just think that I didn’t have a lot of jobs with them already, and kung wala kang masyadong trabaho, puwede kang magpa-release,” lahad niya.

Binanggit namin kay Princess ang tungkol sa pagpapa-release ni Aljur Abrenica sa GMA. Tulad ni Princess ay produkto rin ng StarStruck si Aljur.

Saad ni Nathalie, “Well, that was different kasi ako, hindi naman ako masyadong nabigyan nila. “And puwede ka namang magreklamo kung wala namang nangyayari sa iyo at lahat ng trabaho mo, ikaw yung kumukuha hindi sila.

“So I thought to myself magpapa-release ako and then one day, I didn’t really want to do showbiz anymore. Gusto ko tapusin yung studies ko in Australia kasi my whole family is there naman.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Sige, tingnan natin.’ “Kasi sayang naman yung pinaghirapan ko, actually three and a half years din akong naghirap. Parang sabi ko, ‘Alam mo kung ganito na rin lang yung mangyayari, might as well bigyan ko pa ng another two to three years yung pinaghirapan ko.’

“And then I was looking for a new manager, hindi ko alam kung sino yung dapat kong kontakin. “One time, there was an instance na Leo Dominguez wasn’t looking for a new talent pero parang nagka-connect na lang kaming dalawa and nagkaroon kami ng meeting.

“At ang sabi niya, he wanted to sign me and I think everyone knows naman how good Leo Dominguez is as a manager. “So nung dumating siya sa buhay ko, he is such an angel, nag-sign ako sa kanya five years straight.

“Five years contract with him and then he told me na, ‘Yes tumatak na sa tao yung pangalan mo pero I wanted to recreate you and I want you to be a proper actress.’”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *