Rich Asuncion pays tuition with beauty contest prizes

Sa Top 20 finalists ng SS4, tumawag din ng pansin namin ang 17 years old na si Rich Asuncion, tubong-Bohol.

Kung si Chariz Solomon ay hindi na virgin, kabaligtaran naman siya ni Rich, na hanggang ngayon ay never been touched at never been kissed daw.

Prangka rin si Rich. Ipinagtapat niyang nagtitinda lang ng isda ang kanyang ina at isang messenger naman sa bangko sa Bohol ang ama. Sinasamahan pa nga raw niya ang inang maglako ng isda sa bayan.

Nakapag-aral lang siya dahil sa pagsali sa iba’t ibang beauty contest. Ang napapanalunang cash prize ang ginagamit niyang pambayad sa tuition fee. [source]