Chariz Solomon, FHM + Japayuki to be

If she won’t be part of the StarStruck 4 Final 14, she’s bound for Japan and her Babe of the Month pictures will be published by FHM at last.

Sabi ni Chariz Solomon, isa sa StarStruck 4 The Next Level Top 20, tapos na ang pictorial niya para sa FHM magazine na ilalabas sana sa January 2007.

“Hindi ko kasi akalaing makapapasa ako rito’t papalaring mapabilang sa Top 20. Pinatigil ko ang pagpapalabas ng sexy pictorial sa FHM at naintindihan naman nila,” ani Chariz sa ginanap na press launch kamakailan.

“Hindi ko rin ikinakailang nagsasayaw ako sa iba’t ibang bar dahil ako ang tumatayong breadwinner ng aming pamilya. Ang tatay ko ay nag-asawa ng iba at iniwan kaming mag-iina.

“Ang mama ko naman, nagpunta ng Japan at may asawa na rin doon. Apat kaming magkakapatid, ako ang panganay.

“Totoo ring naging alaga ako ni Jojo Veloso, pero naging busy si Tito Jojo at napabayaan ako, kaya umalis na ako sa kanya. Alam ko ring pagiging bold star ang papasukin ko nang magpa-manage ako kay Tito Jojo,” patuloy pa ni Chariz.

Inamin din ng seksing 17-year-old na nawala ang pagka-dalaga niya sa edad na 15, pero wala naman daw siyang pinagsisihan. May boyfriend siya ngayon na mas matanda sa kanya. [source]

Chariz is also known as Charyze Pagotan.