StarStruck Latest

Hindi lang nila napigilang mag-leak sa press na pinalitan ni CJ Muere si Mike Tan sa role ni Ding at love interest ni Ryza Cenon. Gustong i-retain ng network ang StarStruck love team nina Ryza at CJ at Mike at LJ kaya, sa last minute, nagkaroon ng pagbabago.

Matutuwa nito ang fans ng dalawang loveteam pero, magri-react ang fans na gusto namang mapanood na sila Mike at Ryza ang magkapareha at sina CJ at LJ. Pero, pwede pa namang magtambal sina Mike at Ryza sa ibang show ng network kaya, maghintay lang ang kanilang fans.
Sunud-sunod nga ang swerte ni CJ dahil sila rin ni Ryza ang endorser/image model ng Bratt Clothing at tampok din sila sa Now and Forever.

Bubuhayin uli ang loveteam nina Nadine Samonte at Tyron Perez na nabuo sa StarStruck 1. Sila ang ipinalit ng Regal kina Mike Tan at LJ Reyes bilang second loveteam sa Say That You Love Me nina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Bida rin sila sa horror-comedy episode ng trilogy movie na ididirek ni Maryo J. delos Reyes sa Regal pa rin entitled Happily Ever After. Kumpara sa tambalang Nadine-Dion Ignacio, mas may dating kung kay Tyron ipapareha si Nadine. Dalawang pelikula agad ang gagawin nina Nadine at Tyron at balita namin, kasama rin sila sa GMA Films movie.

Yan, hindi naman pala pinababayaan ng GMA 7 si Nadine dahil siya ang leading lady nina Richard Gutierrez at Cogie Domingo sa Sugo, ang pangatlo sa apat na bagong soap opera ng istasyon. Sa April na ang start ng taping nito, pagbalik ni Richard mula sa pagbabakasyon sa Amerika. [source]