Lie Detector Test

Malalaman kung sinu-sino sa kanila ang nagsasabi ng totoong nararamdaman dahil isasalang sila sa lie detector test.

Sino ang mabubuking na nagsisinungaling? Anu-anong sikreto ang mabubulgar at mapipilitang aminin?

Sa NBI ginanap ang lie detector test na ito kaya walang lusot ang mga StarStruck survivors.

Sasailalim din sila sa acting workshop kay Direk Kryss Adalia. At sa Biyernes (Nobyembre 19), live na namang matutunghayan ang eliminations.