via Abante Online Itinanggi ni Gwen…
Itinanggi ni Gwen Garci na bumigay siya sa love scene nila ni Ryan Eigenmann sa indie film na Ang Babae sa Beerhouse. Sabi pa sa tsismis, hindi raw tumigil sina Gwen at Ryan sa lampungan, kahit sumigaw na ng cut ang director nila.
Sabi ni Gwen, imposibleng gawin nila ni Ryan ang akusasyon, dahil nandoon daw sa set ang girlfriend ni Ryan.
Pero, buong ningning na inamin ni Gwen na magaling sa romansa si Ryan, kaya nakaramdam siya ng init. Sabi pa ni Gwen, kung wala raw sa set ang girlfriend ni Ryan, baka na-extend daw ang love scene nila.
Anyway, busy si Gwen sa pag-aaral ng salitang Mandarin ngayon para sa Italian Chef boyfriend niya na nasa China. Nahihirapan daw kasi si Gwen na makipag-usap sa mga tao sa China dahil marami sa kanila ay hindi marunong mag-English.
Pabalik-balik na nga lang si Gwen sa China para bisitahin ang kanyang boyfriend na doon nakatira. Pero, wala raw siyang balak na tumira roon.
Hindi pa rin naman daw siya niyayayang pakasal ng boyfriend niya, at wala raw siyang planong makipag-live in ng matagal.