Blusang Itim

Si Kylie, na anak ng action star na si Robin Padilla, ang gaganap sa TV remake ng ‘80 movie na Blusang Itim, na unang ginampanan ni Snooky Serna.

Ang Blusang Itim din ang maglulunsad sa acting careers nina Frank Magalona (anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona at Pia Magalona) at Winwyn Marquez (anak nina Alma Moreno at Joey Marquez).

Kasama rin sa cast sina Gary Estrada, Rita Avila, Jackielou Blanco, Marissa Delgado, at Carl Guevara, sa role ng isa pang leading man.

Nakatakda itong magsimula sa May 16, 2011.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *